GROUNDBREAKING NANG IPATATAYONG BAGONG GUSALI NG RHU III, GINANAP

Isang katuparan ng panibagong pangarap ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang isinagawang groundbreaking ceremony nang ipatatayong bagong gusali ng Rural Health Unit III Southern Barangay na matatagpuan sa Brgy. Basing sa bayan, ngayong ika-9 ng Hunyo, 2022.

Ito ay matapos tumugon ang provincial government sa pamumuno ni Gov. Amado I. Espino III sa kanyang kahilingan na mapondohan ang naturang proyekto na magagamit ng taumbayan. Inirepresenta naman ng Provincial Engineering Office si Gov. Espino sa naturang okasyon.

Ayon kay Mayor Bataoil, ang mga proyektong ito ay pangako niya sa nakaraang administrasyon na hindi niya pababayaan ang sektor ng kalusugan. “Hindi lamang natin ipinagpatuloy ang pagpapatayo ng RHU2 na ibinilin sa atin ni Mayora Iday, dinagdagan pa natin ng bagong RHU I at ngayon itong RHU III na may temporary location lamang pero ngayon, ito itatayo natin ang bagong building. This is a  project that will touch people’s lives, Southern Barangays, need not, to go to Domalandan or Poblacion to avail of this services”, ayon sa alkalde.

Samantala, sisimulan na ang konstruksyon ng Phase I ng naturang gusali at inaasahang mapaglalaan din ng pondo ang mga suusnod pang Phase ng naturang proyekto hanggang sa tuluyang makumpleto ang isang moderno at mas komportable hindi lamang para sa mga kawani kundi lalo’t higit sa mga kliyenteng mangangailangan ng atensyong medikal.

Pinasalamatan at pinapurihan naman ng mga bisita ng naturang groundbreaking ang mga inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon tulad ng Lingayen District Hospital (LDH) na kinatawan ni Dr. Charisma Guerrero, Dr. Shayne Borling ng Provincial Health Office (PHO) at maging si Ms. Marilyn Yamboa ng Provincial Department of Health Office (PDOHO). Kinilala rin ng mga ito ang sakripiyo hindi lamang ng mga health workers kundi maging ng mga halal na opisyal sa panahong sinubok ang bayan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Malaking tulong naman umano ang ipatatayong RHU III ayon kay Vice Mayor-Elect Mac Dexter Malicdem, lalo na para sa mga kababayang nangangailangan ng agarang tulong at walang kakayanang magtungo agad sa ospital. Ang mga proyektong ito rin aniya ay pangmatagalan at magagamit ng taumbayan. Patunay aniya na ang buwis na ibinabayad ng taumbayan ay nagagamit ng maayos sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bataoil at sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Bayan ng Lingayen.

Nagsagawa din panalangin at pagbabasbas sa lugar na pagtatayuan ng gusali sa pamumuno ni Rev. Fr, Emil Soriano.

Naroon din sina Councilors JM Crisostomo, Rasel Cuaresma, at Jasper Pasion. Habang present din sa aktibidad ang mga Punong Barangays mula sa Southern District ng bayan, Barangay Health Workers, department heads at mga kawani ng tatlong RHUs ng Lingayen upang saksihan ang makasaysayang okasyon para sa sektor ng kalusugan. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan