Skip to main content

GroundBreaking ng Bagong Lingayen Police Statio, Ikinasa na

GROUNDBREAKING NG BAGONG LINGAYEN POLICE STATION, IKINASA NA

Magkakaroon na ng bagong tahanan ang Lingayen Police Station matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony ngayong araw, ika-27 ng January, 2025 sa Lingayen Government Center, Brgy. Pangapisan North sa bayan.

Pinangunahan ni PNP Region 1 Director, PBGen Lou F. Evangelista at Pangasinan Police Provincial Director, PCol Rollyfer J. Capoquian kasama ang hepe ng Lingayen Police Station LtCol Amor Mio I. Somine ang naturang groundbreaking.

Maituturing naman na katuparan ito ng pangarap ni Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil. Isa ang pagkakaroon ng bagong Police Station sa mga unang plano ng alkalde para sa kanyang bayan. Habang magkakaroon din ng 3 Police Community Precinct sa 3 distrito ng Lingayen para mas mabantayan ang peace and order sa Capital Town.

Saksi rin si Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem sa panibagong accomplishment ng kasalukuyang administrasyon na patunay aniya ng patuloy progreso at pag-asenso ng bayan at mahusay na pamamalakad sa lokal na pamahalaan.

Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Lawrence Mark J. Lucero ang pagbabasbas sa lugar kung saan itatayo ang main Police Station ng Lingayen.

Laking pasalamat din ng PNP sa suporta at paglalaan ng lupa ng LGU Lingayen sa kanilang bagong istasyon. Nangako rin ang mga ito na lalo pang paghuhusayin ang kanilang serbisyo sa publiko at paniniyak ng kaligtasan at kapayapaan sa komunidad. (MIO)

MIO/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan