Skip to main content

Groundbreaking ng Ipatatayong Sangguniang Bayan Hall, Isinagawa

Naging matagumpay ang pagsasagawa muli ng groundbreaking ceremony para sa itatayong gusali ng Sangguniang Bayan (SB) Lingayen ngayong araw ng Miyerkules ika-25 ng Setyembre 25, 2024.

Pinangunahan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter Malicdem ang naturang seremonya na ginanap sa Lingayen Esplanade sa bahagi ng Casiano Jimenez St., Brgy. Poblacion sa bayan.

Aabot sa mahigit P30 milyon ang inilaang pondo sa pagtatayo ng bagong SB building na bahagi nang proyekto ng lokal na pamahalaan at isa sa itinuturing na pangarap ni Mayor Leopoldo N. Bataoil para sa bayan na kanyang pinamumunuan.

“It was my dream na magkaroon kayo ng sariling tahanan—tahanan ng taong bayan. I’ve always wanted to make things happen for the good of our town. And so, it happened. As I’ve said, all in God’s Greater Plan”.

Dagdag pa ng naturang alkalde, bagama’t marami pa aniyang pinagdaanan bago tuluyan itong naisakatuparan, lubos pa rin ang kanyang pasasalamat dahil tuloy na tuloy na ang konstruksyon ng bago at modernong gusali ng Sangguniang Bayan.

Kung matatandaan, taong 2021 ng unang isagawa ang groundbreaking ng Legislative Building sa likod ng Casa Real na ngayo’y Banaan Museum.

“Madaming consultation ang nangyari dito tulad ng location, ilang beses na narelocate. If I remember it right, parang three times or four times. Doon, dito, doon, dito. Finally, after consultation with the Engineering, DPWH, Office of the Governor and our office, we finally decided na dito tayo”.

Nagpaabot din ng taos pusong pasasalamat ang alkalde sa tanggapan ni Congressman Mark Cojuangco at Governor Ramon Guico III para sa pagsuporta at pagbibigay ng pondo para sa naturang proyekto. Nabatid na naglaan ng P10million na pondo ang tanggapan ni Congressman Cojuangco habang P20million naman mula sa tanggapan ni Governor Ramon Guico III.

Labis din ang tuwa at pasasalamat ng kasalukuyang ama ng SB na si Vice Mayor Mac Dexter Malicdem, ito umano ay pagpapakita ng suporta sa mga makikinabang ng bagong ipatatayong tanggapan lalo na ng taumbayan bagamat maaring hindi na niya abutang magamit ang naturang gusali sa mga susunod na taon.

Matatandaang maging nang nagdaang administrasyon ay nakahingi na ng pondo si Mayor Bataoil sa mga kinauukulan at ito ay nagamit naman upang i-improve ng kasalukuyang SB Hall sa loob mismo ng munisipyo, ngayon ay maisasakatuparan na ang pagkakaroon ng sariling building ng Legislative Department.

Layunin ng konstruksyon ng bagong Legislative Building na mas lalo pang mapabuti ang pagseserbisyo sa mga mamamayan sa bayan ng Lingayen. (MIO_MRVinluan)
MIO/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan