
HAHAWAKANG KOMITE NG MGA SB MEMBER NG LINGAYEN, NATUKOY NA
Naipamahagi na ang chairmanship ng iba’t ibang komite sa Sangguniang Bayan ng Lingayen.
Sa ginanap na session ng mga bagong halal at re-elected na konsehal pinagbotohan ang kani-kanilang chairmanship noong Lunes, ika-11 ng Hulyo 2022.
Itinalaga bilang chairman ng Committee on Disaster Resilience, Climate Change Adaptation & Social Justice and Welfare at Committee on Good Government, Public Ethics & Accountability si Councilor Jay Mark Kevin Crisostomo.
Sa mga bagong konsehal tulad ni Councilor John Marc Lopez mapupunta ang Committee on Rules, Regulations & Privileges, Laws & Human Rights, Committee on Education, Arts and Culture at Committee on Labor, Employment and Human Resource Development.
Mananatili namang chairman ng Committee on Women, Children, Handicapped & Gender Equality at Committee on Environmental & Natural Resources Management si Councilor Rasel Anselmo M. Cuaresma.
Apat na komite ang pamumunuan naman ni Councilor Rodulfo Luigi F. Morosi na kinabibilangan ng sumusunod; Committee on Ways and Means, Committee on Public Safety, Peace & Order & Transportation, Committee on Urban Planning, Housing & Resettlement at Committee on Accreditation & Cooperatives.
Habang ang Committee on Trade, Commerce, Entrepreneurship & Tourism ay mapupunta kay Councilor Jasper S. Pasion.
Para kay Councilor Jonathan T. Ramos ay Committee on Appropriation and Finance, Committee on Appointment at Committee on Public Services.
Committee on Health and Sanitation at Committee on Public Information, Communications & Technology ang hahawakan ni Councilor Von Carlo E. Tiangson.
Muling mapupunta naman kay Councilor Ricardo R. Ferrer ang Committee on Market Slaughterhouse, Committee on Agriculture, Food & Agrarian Reform at Committee on Senior Citizens.
Samantala, bilang Association of Barangay Captain o ABC President, ibinigay kay Punong Barangay Darwin Jimenez ang Committee on Barangay Affairs at Committee on Engineering & Public Works habang Committee on Youth and Sports Development naman para ka SK FED President Gabriel Ivan Tuazon.
Committee of the Whole naman ang hahawakan ni Vice Mayor Mac Dexter Malicdem bilang presiding officer sa konseho.
Tiwala din ang bise alkalde sa kakayanan umano ng mga konsehal na pamunuan ang kani-kanilang mga komite. Hinikayat rin nito ang pagkaka-isa lalo’t tapos na umano ang eleksyon at trabaho ang dapat nilang unahin.
“Hindi ko po sila susukuan, hindi po ako titigil at titiyakin ko po na magagampanan ng bawat isa ang aming sinumpaang tungkulin gayundin para suportahan ang magagandang plano ng ating mahal na Mayor, Leopoldo N. Bataoil para sa lalo pang pag-arangkada ng bayan nating Lingayen”, dagdag pa nito.
Hiniling din ni VM Malicdem ang pakikipagtulungan ng bawat departamento at kawani ng bayan upang maibigay ng tama ang serbisyong dapat umanong ipagkaloob sa taumbayan. (MIO)