
Halloween Zumbataoil 2023
Halloween Zumbataoil 2023 Ginanap Ngayong Araw sa Lingayen
Dinaluhan ng iba’t-ibang indibidwal ang Halloween Zumbataoil ngayong araw, Ika-31 ng Oktubre 2023, sa Lingayen Civic Center.
Mapabata man o matanda ay masayang nakilahok at naki-isa sa zumba na pinangunahan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at ng Team Zumbataoil.
Samantala, nabigyan ng candies at chocolates ang mga batang dumalo at nag-uwi naman ng cash prizes ang mga nagsiwagi sa Best in Halloween Costume at Scariest Costume para sa Children at Adult Categories.
Nagpapasalamat naman si Mayor Bataoil sa mainit na pagsuporta ng taumbayan sa ginanap na aktibidad. Dagdag aniya, hindi ito ang huling Halloween Zumbataoil sapagkat ngayon palang ay inimbitahan na ng alkalde ang publiko na suportahan at dumalo sa susunod na taon gayundin sa regular zumba schedules bilang parte ng fitness and wellness program ng lokal na pamahalaan. (MIO)
📷KPaulo/DJEstrada/DDeGuzman/JMMangapot