
Ika-124 na Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ginunita sa bayan ng Lingayen
Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office, Lingayen Police Station at ng Free and Accepted Masons and pagdiriwang.
Dito inaalala ang kadakilaan at sakripisyo ng mga bayaning nagbuwis ng buhay upang ipagtanggol ang kasarinlan ng bansa. Binigyang pugay din ang kontribusyon ng mga makabagong bayaning patuloy na nakikibaka at nag-aalalay ng serbisyo para sa kapakanan ng nakararami.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Bataoil ang unti-unting transpormasyon ng bayan tungo sa kaularan at kaayusan. Ginamit ang newly restored flag pole at higanteng watawat sa isinagawang flag raising sa harap ng bantayong ni Gat Jose Rizal.
Kasama ring naki-isa pagdiriwang ang Bureau of Fire Protection, Sangguniang Bayan Members, DILG at mga Department Heads.
Isang pagtatanggal din ng mga makabayan songs ang inihandong ni Bb. Alyssa Erasquin upang lalong bigyang kulay ang pagdiriwang na sinundan din ng pag-aalay ng wreath o bulaklak sa monumento ni Rizal.
Agad naman itong sinundan ng lagdaan upang magpakita ng pagsuporta sa mga bagong halal na opisyal sa bayan sa panunguna naman ng COMELEC Lingayen. (MIO)