IKA-125 ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN, GINUNITA SA BAYAN NG LINGAYEN
Bilang paggunita sa ika-125 na anibersaryo ng araw ng kalayaan ng bansa, isang selebrasyon sa Rizal Monument Park ng bayan ang idinaos ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, na siya ring Presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Pangasinan Chapter.
Naroon din upang maki-isa sa selebrasyon ang buong pwersa ng Sangguniang Bayan ng Lingayen sa pamumuno ni Vice Mayor Mac Dexter Malicdem, mga department managers at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.
Kaisa rin sa naturang selebrasyon ay ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO), Lingayen Police Station, Bureau of Fire Protection(BFP), Moises De Guzman Masonic Lodge N0.161, Bugallon Masonic Lodge No.492, Order of DeMolay, Knights of Rizal, Girl Scouts of the Philippines (GSP), Boy Scouts of the Philippines (BSP) at iba pang bisita.
Ang selebrasyon ay bilang pagkilala sa kabayanihan, kadakilaan, pagmamahal sa bayan, at pagkakaisa ng mga rebolusyonaryong Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay para sa kasarinlan na ating tinatamasa ngayon.
Kaugnay nito ay binigyang pugay rin ang mga Pangasinenseng nagsipagtapos ngayong taon na piniling paglingkuran ang bayan para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng sambayang Pilipino. Kabilang riyan ang sampung (10) nagsipagtapos sa (10) Philippine Military Academy (PMA) Madasigon Class of 2023 na sina:
Top 5: ENS REZ MARK CANTOR (Philippine Navy) – Bugallon
2LT PRINCE EDGAR MAGNO (Philippine Air Force) – Lingayen
2LT EDLYN GRACE BOGAOAN (Philippine Army) – Sta.Barbara
2LT EMMANUEL CARIDO (Philippine Army) – Binmaley
2LT NEO ANGELO CELESTE (Philippine Army) – Malasiqui
2LT ROSE ANN VALDEZ (Philippine Army) – Mangaldan
2LT LUBERT DERMIEL NAVA (Philippine Army) – Lingayen
2LT JONATHAN DE GUZMAN (Philippine Air Force) – Mangaldan
ENS CHARLEMAGNE DE LEON (Philippine Navy) – Alaminos
ENS KARYLLE RICO (Philippine Navy) – Lingayen
Gayundin ang apat (4) na nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy Masidtalak Class of 2023 na sina:
PLT JOHN CLEO L. FRIAS- Mangaldan
PLT MEDELA B. DIVINA – Natividad
PLT FRANCIS CHARLES S. RICARTE- Urdaneta
PLT BRYAN J. USITA – Villasis
Ayon sa panauhing pandangal na si Police Brigadier General Redrico “Red” A. Maranan, ang Chief of Public Information Office ng Philippine National Police (PNP), inaanyayahan niya ang mga dumalo sa pagdiriwang na sundan at tahakin ang diwa ng paglilingkod ng magigiting na bayani at maging kaisa ang lahat “to be an agents of positive change and be an advocate of a better future.”
Samantala, nagbigay ng isang pagtatanghal si Bb. Alyssa Erasquin para sa mga bisita at nag-alay naman ng wreath o bulaklak ang mga opisyales, mga kawani, at mga bisita sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.
Lubos ang pagbati ni Mayor Bataoil sa mga nagsipagtapos sa akademya at sa kanilang mga magulang. Dagdag riyan ay ang taos-pusong pasasalamat sa mga makabagong bayani sa patuloy na sakripisyo, pagmamahal at serbisyong ibinibigay sa sintang bayan. (MIO/JMMangapot)
📸MIO/GcRueda/KPaulo/DDeGuzman/CCacondangan