• Home
  • Community
  • News
  • News
  • Ika-125 taon ng anibersaryo ng kabayanihan ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose P. Rizal

Ika-125 taon ng anibersaryo ng kabayanihan ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose P. Rizal

Ika-125 taon ng anibersaryo ng kabayanihan ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose P. Rizal ginunita sa bayan ng Lingayen sa pamumuno ng punong bayan na si Mayor Leopoldo N. Bataoil, kasama ang buong pwersa ng LGU Lingayen, Pangasinan Police Provincial Office, Lingayen Police Station, BFP Lingayen, Knights of Rizal, Boy Scout at Girl Scout of the Philippines katuwang ang mga myembro ng Moises J. De Guzman Masonic Lodge No. 161, F & A.M.
Naghandog naman ng pagtatanghal ang Manny Obediencia Folkloric Group and the Teaching Force of Tonton Elementary School na nagsalarawan sa mga huling buhay ni Rizal. Nagpamalas rin ng mga makabayang awitin si Alyssa Mae Erasquin, isang premyadong mang-aawit sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa mensahe ni Mayor Bataoil pinapurihan niya ang lahat ng mamamayan sa bayan na nagpakita ng kanya-kanyang kabayanihan sa kanilang sariling paraan partikular ngayong panahon ng pandemya. Maging inspirasyon umano nawa ng bawat isa ang sakripisyo ng ating mga ninunong bayani upang patuloy nating ipamalas ang malasakit at pagmamahal sa ating sariling bayan. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan