Skip to main content

IKA-29 NA ALKALDE NG BAYAN AT 11TH SANGGUNIANG BAYAN MEMBERS NG LINGAYEN, PORMAL NANG NANUMPA SA TUNGKULIN

Pormal ng nanumpa para sa kanyang ikalawang termino si Mayor Leopoldo N. Bataoil kasabay ang mga myembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni newly elected Vice Mayor Dexter Gumapos nitong Biyernes, unang araw ng Hulyo, 2022.
Bago tuluyang umpisahan ang programa ay nag-alay ng isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Emil A. Soriano.

Sinundan ito ng ceremonial oathtaking ng mga halal na opsiyal sa harap ni Judge Teodoro Fernandez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38.

Unang sumalang dito si Councilor Ricardo Ferrer na sinundan ni Councilor Von Carlo E. Tiangson, Councilor Jonathan T. Ramos, Councilor Rodulfo Luigi F. Morosi, Councilor Jasper Pasion, Councilor Ramon Anselmo Cuaresma, Councilor John Mark M. Lopez, Councilor Jay Mark Kevin Crisostomo, Vice Mayor Mac Dexter Malicdem at Mayor Leopoldo N. Bataoil na inasistehan ng kani-kanilang mga pamilya.

Nagkaroon din ng Symblic Turnover of Leadership sa pagitan ni dating bise alkalde Judy Vargas-Quiocho at Vice Mayor Malicdem. Hiniling nito sa bagong opisyal ang pagpapatuloy ng serbisyo publiko na may tapang at lakas ng loob sa lahat ng pagkakataon. Binigyang parangal din ang mga outgoing officials ng bayan.

Samantala, sa kanya ding mensahe ibinahagi ni Mayor Bataoil ang taos pusong pasasalamat sa publiko dahil sa pagbibigay muli ng ikalawang pagkakataon na pamunuan ang bayan.

Ipinanawagan nito ang pagtutulungan, pagkakaisa gayundin ang pagsasantabi ng pulitika at pagkakaiba-iba upang mas matutukan ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga Lingayenense.

“Rest assured that every Lingayenense, regardless of your candidate preference during election will receive the same and equal treatment and service from your Lingayen LGU”, ayon sa bahagi ng inaugural speech ng alkalde.
Mabusisi ring inilatag ng alkalde ang mga programa at mga plano nito para sa bayan. Nariyan na ang kanyang hangaring maipagpatuloy pa ang mga proyektong makakatulong sa mga kababayan pati na ang pagkakaroon ng transparency patungkol sa transaksiyong pampinansiyal.

“Let us now hit the ground running, ever ready, fit, strong and healthy to tackle a 3-year term of “work work work” coupled with “fix fix fix” and “build build build” mode. Also,under my administration, “walang kotong, padulas or palakasan” of any form. I-report niyo sa akin kung makakaranas kayo ng ganito.”

Samantala, taos-pusong ibinigay ng mga department heads ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga kawani nito ang suporta sa alkalde sa pagsisimula na rin ng kanyang ikalawang termino bilang isang Lingkod ng Bayan.

Sa pangkalahatan naging matagumpay at payapa ang inagurasyon ni Mayor Bataoil bilang ika-29 na alkalde ng bayan gayundin ang mga myembro ng 11th Sangguniang Bayan ng Lingayen. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan