
Ika-pitong batch ng DOLE-TUPAD beneficiaries
Ika-pitong batch ng Department of Labor and Employment-Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) beneficiaries ang muling sasalang upang magbigay ng 10 araw na serbisyo sa ilalim ng pangangasiwa ng lokal na pamahalaan sa tulong ng Kabayan Partylist. Tinatayang 116 beneficiaries ang pasok sa naturang programa na sumailalim sa oryestasyon ngayong araw at magsisimula sa trabaho sa darating na Lunes.