Skip to main content

IKALAWANG JOBS FAIR SA BAYAN, TAGUMPAY

Naging matagumpay ang idinaos na Jobs Fair sa ikalawang pagkakataon na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ngayong ika-12 ng Pebrero, 2020.

Nilahukan ang nasabing Jobs Fair ng nasa mahigit dalawang daang (200) aplikante mula sa ibat ibang bayan dito sa lalawigan na naghahangad makakuha ng trabaho mula sa mahigit kumulang apatnapung (40) lehitimong kumpanya.

Ang programa ay lubos na sinuportahan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na personal pang bumisita sa nasabing aktibidad upang makita ang mga mamamayan na tumangkilik dito.

Maayos ang naging daloy ng mga aplikante na karamihan ay nakapagsumite ng kanilang mga resume at biodata sa dalawa o higit pang kumpanya na tugma sa kanilang kwalipikasyon.

Ikinatuwa din ni Human Resource Management Officer Raul Ungson ang pagdagsa ng mga job seekers kung saan dalawampu’t lima (25) umano sa mga ito ay “hired on the spot.”

Muli namang nilinaw ni Mayor Bataoil na walang ibang layunin ang nasabing programa kundi ang magkaroon ng opurtunidad sa trabaho ang publiko lalong lalo na ang kanyang mga kababayan.

Nangako naman ito na kanyang ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng mga Recruitment Activities upang mabawasan o makontrol ang unemployment rate ng munisipalidad.

Ang ginanap na jobs fair ay handog ng lokal na pamahalaan ng Lingayen katuwang ang Provincial Employment and Service Office o PESO Pangasinan.

Lubos naman ang pasasalamat ng butihing alkalde sa mga kumpanyang nakilahok at nakibahagi sa aktibidad na nahig katuwang sa pagbibigay trabaho sa daan daang aplikante. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan