• Home
  • Community
  • News
  • News
  • ILANG AKTIBIDAD INIHANDA PARA SA 44TH MUNICIPAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK

ILANG AKTIBIDAD INIHANDA PARA SA 44TH MUNICIPAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK


Idinaos sa kauna-unahang pagkakataon ang “Volleyball for the Blind” ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO, Area 1 Vocational Rehabilitation Center (AVRC) at Lingayen Federation of Persons With Disabilities (LFPWD).

Bahagi ito ng pagdiriwang ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, Tugon sa Pagpapalakas ng Taong May Kapansanan”.

Sa araw na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga kababayang PWDs o Persons with Disabilities na magkaroon ng mga aktibidad at mga palaro na hindi lamang kumikilala at nagpapahalaga sa kanila ngunit nagbibigay na rin ng aliw at kasiyahan. Kabilang na dito ang larong volleyball na aktibong nilahukan ng mga PWDs.

Lubos namang ikinatuwa ni Councilor Rasel Cuaresma ang naturang aktibidad patunay umano na hindi hadlang ang kanilang mga kapansanan upang maisakatuparan ang mga bagay na ginagawa ng mga normal ding indibidwal.

“Today, mawi-witness po natin kung paano ipapakita ng ating mga players na hindi sila iba . I don’t treat them as different from the others. Ako po mismo, sinusuportahan ko po ang lahat ng mga programa na may kinalaman po sa ating mga mahal na kababayang PWDs” ani Councilor Cuaresma.

Samantala, nanawagan si Vice Mayor Dexter Malicdem sa publiko na alisin ang diskriminasyon sa mga kababayang PWDs. Sa katunayan, itinuturing niya ang mga ito na espesyal at hindi bilang mga ‘disabled persons’. At sinubukan din nitong makipaglaro kasama ang mga PWDs.

“Hindi po natin kailanman isinasantabi ang mga may espesyal na karamdaman. Nakikita ko po na kayo ay mas may kaya pang gawin kesa sa mga normal na indibidwal” pahayag ng bise alkalde.

Bagama’t hindi nakadalo sa naturang aktibidad ay ipinaabot pa rin ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kanyang pagbati sa mga kalahok. Pangako nito na itutuloy tuloy ang pagsasagawa at pagbuo ng mga programang mag-aangat sa kakayanan ng mga PWDs at tutugunan ang mga pangangailangan ng mga ito sa abot ng makakaya ng lokal na pamahalaan. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan