Skip to main content

ILANG KAWANI NG LGU LINGAYEN SUMAILALIM SA BASIC INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING

ILANG KAWANI NG LGU LINGAYEN SUMAILALIM SA BASIC INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING
Kasalukuyang nagsasagawa ng Basic Incident Command System Training ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Inorganisa ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen ang naturang aktibidad na tatagal ng tatlong araw.
Kabilang sa mga kalahok dito ay ang mga empleyado ng munisipalidad at ilang mga frontliners na may layuning paigtingin at palawakin pa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagresponde.
Una nang isinagawa kahapon ang ‘1st day training’ kung saan nagbigay ng kanyang pagbati sa mga kalahok si Councilor JM Crisostomo na siyang chairman ng Committee on Disaster Resilience.
Sinundan ito ng leveling of expectation at pre-exam upang subukin ang kanilang kaalaman pagdating sa usapin ng Incident Command System. Hinati din ang mga ito sa bawat grupo at isinagawa ang training exercise na tumukoy at sumubok naman sa kanilang koordinasyon, komunikasyon at kooperasyon.
Inaasahang mas marami pang naituro ngayong ikalawang araw ng training hanggang sa magtapos ito bukas sa pamamagitan ng pagbibigay ng reward at token para sa mga participants.
Isinasagawa ang naturang pagsasanay sa Lingayen Evacuation Center kung saan nagsibing facilitators sina Mr. Elvis Quitalig ng Office of the Civil Defense Region 1, Mr. Arman Garcia ng ITRMC, Mr. Aries Aquino ng LGU Bautista, Mr. Ronald Talagtag ng PGLU at PLtCol Ferdinand De Asis mula sa PNP Regional Office I. (MIO)
📸Lgu Lingayen Ldrrmo

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan