Skip to main content

ILANG LINGAYENENSE NABAHAGINAN NG LIVELIHHOOD ASSISTANCE GRANT MULA KAY SEN BONG GO

Naipamahagi na sa mga kababayan Lingayenense ang cash assistance mula kay Senador Bong Go ngayong araw ng Huwebes ika-22 ng Setyembre, 2022.

Sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan sa pamumuno na rin ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, naibahagi ang Livelihood Assistance Grant (LAG) o ang nasabing tulong pinansyal.

Tinatayang nasa 349 benefeciaries na kinabibilangan ng mga local vendors/sari sari store owners, tricycle at pedicab drivers ang masuwerteng nabigyan nito.

Mayroong 187 na bilang ng mga vendors at sari sari store owners at bawat isa nito ay tumanggap ng tig sampung libo (P10,000); 160 bilang ng TODA na tumanggap naman ng tig pitong libo (P7,000) at dalawang pedicab drivers na nabigyan ng limang libong piso (P5,000).

Pinili ang mga benipesyaryo alinsunod sa inilatag na criteria at validation na rin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD:

(Para sa mga vendors at sari sari owners)

-Dapat ay nagtitinda na bago ang pandemya at bago pa naapektuhan ng lockdown
-Sariling pagma-may ari ang negosyo. Hindi puwedeng empleyado o taga tinda lamang.
-Priority ang mga tindahang may Mayor’s Permit at Barangay Permit. Kung walang permit, dapat ay kumuha sa barangay ng Barangay Permit o Certification na ito ay may existing business na may indikasyon ng petsa kung kelan nagsimula ang negosyo
-Walang natanggap na anumang ayuda mula sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DA, DOLE, DTI at iba pa, ganoon din ang kanyang mga pamilya o mga kasama sa bahay
-Prayoridad ang mga may negosyo o sari sari store sa bayan ng Lingayen
-Hindi priority ang may anak o may kasama sa bahay na may regular na trabaho tulad ng guro, nurse, o mga government employee kabilang na ang mga elected brgy. officials at mga indibidwal na may suportang natatanggap mula sa kaanak na nasa abroad
-Hindi priority ang may negosyong online lamang at walang maipakitang ‘physical store’ o pwesto ng tindahan/negosyo.

(Para sa mga tricycle at pedicab drivers)

-Dapat ay namamasada na bago ang pandemya at bago pa naapektuhan ng lockdown
-Pagmamay-ari ang tricycle. Hindi pweding nagbaboundary o taga pasada lamang ng isang kamag anak o kaibigan
-Priority ang mga tricycle/pedicab na may Mayor’s Permit at Barangay Permit. Kung walang permit, dapat ay kumuha sa barangay ng Barangay Permit o Certification na nagpapatunay na ito ay namamasada noon pa.
-Walang natanggap na anumang ayuda mula sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DA, DOLE, DTI at iba pa ganoon din ang kanyang mga pamilya o mga kasama sa bahay
-Priority ang mga namamasada lamang sa bayan ng Lingayen.
-Hindi priority ang may anak o may kasama sa bahay na may regular na trabaho tulad ng guro, nurse, o mga government employee kabilang na ang mga elected brgy. officials at mga indibidwal na may suportang natatanggap mula sa kaanak na nasa abroad

Ang ibinahaging tulong pinansyal ay maarig gamitin bilang dagdag puhunan/kapital sa maliit na negosyo o pangtustos sa paghahanap ng trabaho ng isang pamilya. Naglaan ng tatlong milyong pondo ang Office of the President katuwang si Senador Bong Go sa bayan ng Lingayen upang makapagbigay-tulong sa mga benepisyaryong hindi napabilang sa FY 2021 targets ng programa.

Nagpaabot naman ng kanyang taos pusong pasasalamat si Mayor Bataoil kay Senador Go at pinayuhan ang mga kababayang benepisyaryo na gamitin ng maayos ang perang ipinagkaloob ng gobyerno sa kanila.

Ang LAG ay isa sa mga recovery at rehabilitation programs ng pamahalaan na ang pangunahing layunin ay magsilbing tugon para sa mga pamilya na tuluyang nawalan ng pagkakakitaan dulot ng malawakang deklarasyon ng community quarantine sa bansa. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan