IMAHE NG OUR LADY OF MANAOAG BUMISITA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG LINGAYEN
Sama-samang sinundo at sinalubong ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang imahe ng Birheng Manaoag ngayong araw, ika-6 ng Oktubre, 2022 mula sa Lingayen District Hospital at dinala sa LIngayen Civic Center.
Ito ay bahagi ng buong buwang “Dalaw Nen Maria ed Barangay na Parokya Epipanya” kasabay ng selebrasyon ng buwan ng Santo Rosaryo at Grand Marian Festival 2022 ngayong Oktubre.
Personal na naki-isa si Vice Mayor Dexter Malicdem at kumatawan kay Mayor Leopoldo N. Bataoil sa naturang seremonya. Halinhinan naman kada oras ang iba’t ibang tanggapan at departamento ng LGU Lingayen sa pagsasagawa ng Rosary Vigil.
Isang misa naman ang isinagawa rin ngayong hapon na sinundan ng prusisyon sa paligid ng Lingayen Plaza. Tatagal ang isasagawang rosary vigil hanggang mamayang hatinggabi at susundan ng public vigil mula 12:30 am hanggang 5:00am bago ang isasagawang “Pangipatanir” o farewell prayer. Muli namang lilipat ang imahe ng Birheng Manaoag alas singko y medya sa Pangasinan Provincial Jail.
Inaanyayahan naman ang publiko na bisitahin ang Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa Lingayen Civic Center ngayong buong magdamag.
Samatala iikot o dadalaw sa iba’t ibang barangay sa bayan ang Mahal na Ina hanggang sa October 29, 2002 bago ang pagtatapos o Grand Culmination of the October Marian and Rosary Devotion sa huling araw ng Oktubre. (MIO)