Skip to main content

Implementasyon ng RA 11292 o ang SGLG Act of 2019

Naghahanda na ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil para sa implementasyon ng RA 11292 o ang SGLG Act of 2019.

Kabilang kasi ang Lingayen sa mga bayan dito sa probinsya na magkakaroon ng Field/Pilot-Testing sa ilalim ng Local Government Performance Management System – Seal of Good Local Governance (LGPMS-SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang LGPMS ay isang instrumento na may layuning makakalap ng mga impormasyon at mapadali ang pagpapadala at pagpapalitan ng mga datos sa pagitan ng mga tanggapan ng Kagawaran sa probinsyal, rehiyonal, at nasyonal na lebel.

Dito ay magsasagawa din ng orientation na naglalayong talakayin ang mga pamantayan, proseso at mga kinakailangang dokumento sa ilalim ng programang SGLG pati ang wastong paggamit ng LGPMS.

Ito na rin ang magiging pangunahing performance-based measuring program ng pamahalaan. Kinakailangan lamang maipasa ng Lokal na pamahalaan ang assessment areas na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Financial Administration and Sustainability
2. Disaster Preparedness
3. Social Protection and Sensitivity
4. Health Compliance and Responsiveness
5. Sustainable Education
6. Business-Friendliness and Competitiveness
7. Safety, Peace and Order
8. Environmental Management
9. Tourism, Heritage Development, Culture and Arts
10. Youth Development

Kapag naipasa ng lokal na pamahalaan ang mga nabanggit na criteria ,maaari nitong makuha ang Seal of Good Local Governance Award.

Ang SGLG ay nagbibigay ng oportunidad upang mapaganda at lalo pang mapaunlad ng LGUs ang kanilang pamamahala upang higit na maibigay ang tapat, maayos, at tamang serbisyo para sa taumbayan.

Nagbibigay inspirasyon din ito sa ibang LGUs na paghusayin pa ang kanilang pamamahala na nakatuon sa transparency, participation at accountability.

Hinimok naman ni Mayor Bataoil ang lahat ng mga department heads ng munisipalidad na makilahok sa field/pilot testing upang makapaghanda sa SGLG assessment sa mga susunod na taon. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan