IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Sa lahat ng Punong Barangays, Brgy. Committee Chair on Environment & Solid Waste, Brgy. Secretary, Brgy. Waste Collection Team, Commercial Establishments, Industries, Institutions o mga tanggapan at sa LAHAT NG MGA RESIDENTE ng bayan ng Lingayen.
Ipinapaalam sa lahat na pansamantalang di muna tatanggap ng basura ang Central Material Recovery Facility at Brgy. Quibaol simula April 01 (Wednesday) hanggang April 03 (Friday) dahil pansamantala ring di muna tatangggap ang ating final disposal facility sa may Urdaneta City, in observance of the Lenten Season.
As we enter this sacred season, may we take time for reflection, repentance, and renewal, turning away from what weighs our hearts and seeking a renewed spirit of humility, compassion, and faith. “Repent, then, and turn to God, so that your sins may be wiped out, that times of refreshing may come from the Lord.” – Acts 3:19
Kaya, muli naming hinihikayat ang lahat na makibahagi at ipakita ang MALASAKIT at KOOPERASYON. Muli po kaming nananawagan sa mga dapat ipatupad at gawin ng lahat:
• Mas lalo pa po nating isapuso, paigtingin, at pag-ibayuhin ang WASTE SEGREGATION.
• Ang nabubulok tulad ng mga dahon at sanga ay ilagay sa hukay na pweding gawing pataba ng mga halaman.
• Ang mga pwedi pang pakinabangan tulad ng mga bote, plastic bottle, at lata ay ibenta na sa junkshop.
• Ang RESIDUAL o walang pakinabang nalang po tulad ng mga maruruming papel at plastic ang dadalhin dito sa Central MRF, Barangay Quibaol mula sa inyong kanya-kanyang barangay. Ang mga diapers ay ipunin at pagkaisahin sa isang lalagyan o sako saka talian ng mahigpit.
• Nakikiusap din po kami na ang mga residual ay ilagay sa sako at talihan ng maayos para pansamantalang ilagak muna sa inyong bakuran.
• Ilabas lamang ito tuwing schedule na ng pagkolekta ng inyong basura sa barangay ng hindi ikalat ng mga aso lalong-lalo na po ung mga malapit sa kalsada ang mga tirahan.
• Gusto din naming ipaalam sa lahat na dina po pinapayagan ng ating batas ang “open burning” o “pagsusunog”.
• Ugaliing gumamit ng bayong o eco-bag kapag namimili sa palengke upang mabawasan ang paggamit ng plastic.
Say pankakasakey na amin so sikder tayo! Balbaleg ya Salamat!
For more information and update visit our:
FB page (Lgu Lingayen Menro) or you can contact us through our email: [email protected] and
contact nos: +639088146020/+639165237919/+639083994466
MENRO TEAM
Please SHARE this POST!
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/18UuA4VybC/