
INTERESADONG BLOOD DONORS SA BAYAN INAANYAYAHANG MAGBAHAGI NG DUGO
Isang blood letting activity ang nakatakdang isagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen katuwang ang Municipal Health Office sa darating na Biyernes, Pebrero 26, 2021.
Pangungunagan ni Councilor Mac Dexter Malicdem katuwang ang Region 1 Medical Center ang nasabing aktibidad.
Target na makakuha ng 50 bags o higit pa kung kaya’t hinihikayat ang mga kababayan na suportahan ito sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo.
Ang mga maaaring maging donor ay kailangang may edad na 18 hanggang 60 taon.
Ang mga 61 taon hanggang 65 ay dapat na isa ng regular blood donor, habang ang mga 17 na taon hanggang 16 ay kailangang may pahintulot ng magulang.
Kailangan ding may timbang ang donor na 110 lbs. o 50 kgs. pataas at walang sintomas ng ubo, sipon, diarrhea, at sore throat.
Ang mga interesadong donors ay maaaring magtungo sa Lingayen Civic Center sa oras na 8:00-11:00 ng umaga.
Samantala, dala ng nasabing blood donation drive ang temang ‘Bawat Dugong Ibibigay mo, Katumbas ay Buhay ng Kapwa mo’. (MIO)