Skip to main content

Isang pagpupugay sa ating mga dakilang guro!


Isang pagpupugay sa ating mga dakilang guro!

Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pagdiriwang ng Araw ng mga Guro o mas kilala sa National Teachers’ Day.

Layunin ng nasabing pagdiriwang na igalang at mas kilalanin pa ang makabuluhang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa kinabukasan ng ating bansa.

Ayon kay Mayor Bataoil, nararapat lamang na bigyan ng pagpupugay ang lahat ng mga guro dahil na rin sa kanilang ipinapakitang dedikasyon at sakripisyo sa trabaho.

Isa din umano itong magandang pagkakataon upang maipadama sa mga mahal nating guro ang pagpapahalaga sa kanilang pagtuturo pati at sakripisyo sa pagbabahagi ng maayos na edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila na rin ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Hinihikayat ng naturang alkalde ang publiko, lalo na ang mga estudyante na pasalamatan ang lahat ng kanilang mga guro na nagbigay at naging bahagi ng malaking pagbabago sa kanilang buhay.

Tuloy naman ang pagbibigay suporta ng lokal na pamahalaan sa larangan ng edukasyon, katunayan taon taon ay naglalaan ng Special Education Fund (SEF) ang LGU upang magamit sa mga proyektong makakatulong din ng pagpapabuti ng kalidad nang pagtuturo ng mga guro sa bayan. (MIO)

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan