Isang sunog ang naganap sa bahagi ng Pantaleon St., Tonton, Lingayen
NOVEMBER 27, 2021: Isang sunog ang naganap sa bahagi ng Pantaleon St., Tonton, Lingayen na umabot sa ikalawang alarma (2nd alarm) at naireport sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen bandang alas sais kwarenta’y sais ng gabi (6:46pm).
Ayon sa inisyal na report apat na kabahayan ang natupok ng apoy at walong pamilya o kabahayan din ang naapektuhan ng sunog o may kabuuang 40 katao.
Wala namang nasawi sa insidente habang isa ang nagtamo ng minor injury na agad ring naitakbo ng LDRRMO sa pagamutan gayundin ang isang nangangailangan ng atensyong medikal.
Pansamantalang nakasilong ang mga apektadong residente sa Tonton Brgy. Hall na nabisita na rin ng mga kawani ng MSWDO at nabigyan ng inisyal na tulong tulad ng banig, kumot, foam na mahihigan, hygeine kits, damit at relief packs.
Laking pasalamat naman ni Mayor Leopoldo Bataoil sa mabilis na pagresponde ng mga kinauukulan sa lugar, pinasalamatan din niya ang BFP Lingayen, LDRRMO, Barangay Council, Tanods at BHW, at MSWDO. Gayundin ang mga rumesponde mula sa Bugallon, Binmaley, Dagupan City Fire Stations, provincial water tanks at maging Panda Fire Volunteer Brigade pati na ang mga ilang personalidad, indibidwal at grupo na boluntaryong nagpaabot agad ng tulong sa mga biktima ng sunog.
Bandang alas nuebe ng gabi idineklarang fireout na sa lugar.
Samantala, kasalukuyan pa ring inaalam ng BFP Lingayen ang sanhi ng sunog.
📸CTTO