Skip to main content

Isinagawa ng Joint Inspection Team ng lokal na pamahalaan ng Lingayen na binubuo ng mga kinatawan mula sa BPLO, MENRO, MHO-Sanitation, MEO, at BFP

Isinagawa ng Joint Inspection Team ng lokal na pamahalaan ng Lingayen na binubuo ng mga kinatawan mula sa BPLO, MENRO, MHO-Sanitation, MEO, at BFP ang serye ng inspeksyon sa isang inirereklamong junkshop na matatagpuan sa Brgy. Quibaol Highway, Lingayen, Pangasinan noong ika-25 ng Marso, ika-30 ng Marso, at ika-7 ng Abril 2026.
Sa unang inspeksyon noong Marso 25, 2026, napansin ang ilang kakulangan sa pagsunod ng junkshop sa mga umiiral na alituntunin, partikular sa kalinisan, kaayusan ng mga materyales, at pagsunod sa fire safety standards. Agad namang ipinaabot sa may-ari ang mga kinakailangang aksyon upang maitama ang mga nasabing paglabag.
Sa sumunod na inspeksyon noong Marso 30, 2026, makikita na ang paunang pagsunod ng may-ari sa ilang rekomendasyon ng Joint Inspection Team. May mga isinagawang paglilinis at mas maayos na pag-aayos ng mga scrap materials, bagama’t may ilan pang aspeto na kinakailangan pang pagbutihin.
Sa pinakahuling inspeksyon ngayong Abril 7, 2026, kapansin-pansin ang patuloy at unti-unting pagsunod ng junkshop sa mga itinakdang pamantayan. Mas naging maayos ang paligid, nabawasan ang kalat, at may mga hakbang na ring isinagawa upang matugunan ang mga isyu sa kalusugan at kaligtasan. Inatasan ni Mayora Josefina “Iday” V. Castańeda and Joint Inspection Team na patuloy nilang i-monitor at tignan ang mga pagbabago na ginagawa ng mga may-ari sa nasabing junkshop.
Kaugnay nito, inatasan ng Sangguniang Bayan ang may-ari ng junkshop na magsumite ng isang Affidavit of Undertaking na nagsasaad na sa oras na magkaroon ng anumang insidente o aksidente na dulot ng operasyon ng junkshop, siya ang mananagot sa lahat ng kaukulang gastusin at pananagutan.
Bukod dito, nagsumite rin ang may-ari ng isang liham na humihiling ng karagdagang isang linggong extension upang tuluyang maisaayos at makumpleto ang lahat ng kinakailangang aksyon na itinakda ng Joint Inspection Team. Ang kahilingang ito ay isinasailalim pa sa kaukulang pag-aaral at pag-apruba ng mga kinauukulang tanggapan.
#isangmaka-kalikasangserbisyosalahat
#IDAYewtayo’yLingayen

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/187qTXXiAN/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan