Skip to main content

Isinagawa ngayong Hulyo 14, 2025 ang lingguhang Flag Ceremony ng LGU Lingayen

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na pagtataguyod ng makabuluhang serbisyo publiko para sa mga mamamayan. Dumalo sa aktibidad sina Mayor Josefina “Iday” V. Castaneda, Vice Mayor JM Dela Cruz Crisostomo, at mga Konsehal, kasama ang mga Department Heads at empleyado, na pinangunahan ng RHU II sa pamumuno ni Doctor Ferdinand Guiang.
Kasabay ng seremonya, opisyal na ipinakilala ang 38 bagong benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES), na itinalaga sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan. Layunin ng programang ito na bigyan ng oportunidad ang mga kabataang Lingayenense na magkaroon ng karanasang pampaglilingkod habang pinapalakas ang kanilang kakayahan at suporta sa kanilang pag-aaral.
Isang masayang pagtitipon para sa bayan at serbisyo publiko.

Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/1EQ8NqJ5Yo/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan