
IWASAN ANG LAST MINUTE REGISTRATION, MAGPAREHISTRO PARA MAKABOTO
Panawagan ng Commission on Elections o Comelec Lingayen na bigyan ng oras ang pagpunta sa kanilang tanggapan. Yan ang binigyang diin partikular sa mga kabataan sa bayan lalo na ang mga hindi pa nakapagparehistro bilang mga bagong botante.
Hinihikayat ang mga kabataan na magiging 18 anyos na sa sandaling sumapit ang Mayo 9, 2022 upang maiwasan ang last-minute syndrome o ang pagpaparehistro sa huling araw ng registration.
Pwedeng mag- walk-in umano sa kanilang opisina, mula Lunes hanggang Huwebes ng alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Kinakailangan lamang magdala ng photocopy ng birth certificate at student ID na nagpapakita ng kanilang address dito sa bayan.
Bago naman magtungo sa kanilang tanggapan,dapat na munang i-fill up ang COMELEC Registration Form na maaaring idownload dito :
https://bit.ly/3b9sBgF
Narito naman ang iskedyul ng kada baranggay na pweding maging gabay ng mga nais magparehistro:
January 5, 2021 – Domalandan Center
January 6, 2021 – Domalandan East
January 12, 2021 – Domalandan West
January 13, 2021 – Dorongan
January 19, 2021 – Dulag
January 20, 2021 – Estanza
January 26, 2021 – Lasip
January 27, 2021 – Libsong East
Mahigpit lamang na paalala ng COMELEC na sundin ang ipinapatupad na health protocols tulad ng ng pagsusuot ng facemask, face shield, pag obserba sa social distancing pati na ang pagdadala ng sariling ballpen. Ito’y upang maiwasan ang pagkakahawaan ng virus dulot ng COVID-19.
Samantala, bukod sa pagtanggap sa mga rehistro ng mga bagong botante ay tinatanggap din ang mga transaksyon sa reactivation ng mga dati nang mga botante at mga change of residency cases.
Pinapayagan din ang mga corrections of voters’ entries, correction of names at change of status pero kailangan umanong may kaakibat itong mga dokumento kagaya ng court order, birth o marriage certificates.
Nais ding ipaalam nsa publiko ng COMELEC na itinigil na nila ang pag-isyu ng voters identification cards o mas kilala sa tawag na voter’s ID, sa dahilang ang Philippine Statistics Authority ay nakatakdang maglabas na ng Philippine National Identity Cards.
Para sa iba pang mga katanungan, maaaring mag-message sa official facebook page ng COMELEC LINGAYEN. (MIO)
https://www.facebook.com/Comelec-Lingayen_Officialpage-104098828140448/