Skip to main content

JOB FAIR AT YOUTH ENTREPRENEURSHIP PROGRAM

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan 2026, dalawang programa na nakatuon sa hanapbuhay at negosyo ang sabay na ginaganap ngayong araw, August 13, sa Servillano Dela Cruz Auditorium.
Job Fair

Bukas mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM ang Job Fair na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) upang maghatid ng trabaho para sa mga aplikanteng Lingayenense. Pinapayuhan ang mga lalahok na magdala ng kanilang updated resume.

LAKO: Youth Entrepreneurship
Kasabay nito ang “LAKO,” isang inisyatibo ng Local Youth Development Office (LYDO) at Sangguniang Kabataan (SK). Layunin nitong bigyan ng espasyo ang mga kabataang negosyante na maibida at maibenta ang kanilang mga lokal na produkto, pagkain, at iba pang serbisyo.

Inaanyayahan ang buong publiko na pumunta, mag-apply ng trabaho, at tangkilikin ang mga produktong gawa ng ating mga kabataan.

Local Youth Development Office-Lingayen
Public Employment Service Office – Lingayen

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
#BuwanNgKabataan2026

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1ELsJ32LYJ/ 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan