Skip to main content

Joint Meeting

Idinaos ang isang Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC), Municipal Council for Protection of Children at Municipal Nutrition Council ang isinagawa ngayong araw, Pebrero 23, 2022.

Nagsilbing presiding officer si Mayor Leopoldo N. Bataoil bilang Chairman ng mga sumusunod na councils, Sangguniang Bayan members, myembro ng academe, kinatawan ng fisherfolks, TODA at iba pang stakeholders. Naroon din ang kinatawan ng iba’t ibang concerned department at agencies tulad ng COMELEC, PNP, BFP, Maritime at ba pa.

Pinangunahan din ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO)  Gabriel G. Cornel ang Joint Coordinating Meeting ngayong unang kwarter ng taon.

Sentro ng usapin sa ginanap na pagpupulong ay ang mga sumusunod:

-peace and order

-fight against terrorism

-anti-drug related activities

-natural calamities

– policies, plans, programs at

-COVID-19 cases at Vaccination

-COMELEC guidelines

Inihayag ni Mayor Bataoil ang kahalagahan ng pagkakaroon ng regular na pagpupulong. Aniya, sa pamamagitan ng isinasagawang meeting ay nalalaman ang mga agarang concern o problemang kinakaharap ng bayan. Dito napag-uusapan umano ng maayos at nagkakaroon ng mas maraming suhestyon paano masosolusyunan ang mga ito.

Partikular ding inihayag ang mga paghahanda ng COMELEC at Kapulisan para sa nalalapit na halalan. Iginiit naman ng alkalde na panatilihing ligtas at payapa ang Lingayen para sa lahat ng kandidato. “All candidates, regardless of political party, beliefs or affiliation, should be safe and free in going around because Lingayen is a fair playing field”.

Kanya ding pinaalalahanan  ang mga dumalo sa nasabing aktibidad na sundin at gawin and kanilang mandato bilang tagapaglingkod ng bayan.

Hiling naman ng alkalde sa publiko  ang kooperasyon at suporta lalo na sa mga adhikain ng lokal na pamahalaan.  (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan