Skip to main content

JULY 20, 2026 – MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

Pinangunahan ng tanggapan ng ating Konsehal ng Masa Jolo Lopez ang Flag Raising Ceremony ngayong umaga, July 20.
Nagbigay-kulay at saya sa programa ang naging intermission number na inihandog ng 18 medical interns. Kasunod nito, pormal na binigyang-pugay at kinilala ang mga natatanging kabaleyan na nag-uwi ng karangalan at inspirasyon sa ating bayan:
Kinilala si Ms. Alicia De Guzman ng RHU III na pinarangalan bilang Most Outstanding Midwife sa Region 1 noong nakaraang 8th IMAP Region 1 Convention na ginanap nitong July 10 sa Urdaneta City Cultural and Sports Complex. Binigyang-pagkilala din sina Engr. Carissa Joyce Tuazon, SK Federation President at Ms. Zanelle Beverford ng ating MPDO na parehong matagumpay na pumasa sa katatapos lamang na Master Plumber Licensure Examination.
Isang masigabong pagbati sa inyong tagumpay at dedikasyon! Maging inspirasyon nawa kayo sa bawat isa.
Isang mapagpalang linggo po sa lahat, Lingayen!
#IDAYewTayoyLingayen

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CmaSA5E6Q/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan