JULY 23, 2026 | NATIONAL PEACE WALK 2026
Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa isinagawang National Peace Walk ngayong umaga bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng makasaysayang 2016 Arbitral Award para sa West Philippine Sea.
Sama-samang nagmartsa ang ating mga kabaleyan katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office, 71st Infantry Battalion ng Philippine Army, LGU Binmaley, at iba pang ahensya bilang matibay na pagpapakita ng pagkakaisa, kapayapaan, at paninindigan sa ating teritoryo.
Ginanap ang peace walk mula sa Capitol Beach Front hanggang sa Mobilization Center, Camp Andres Malong, Binmaley bitbit ang temang: “Our Sea, Our Future: Walking Together for Peace, Unity, and Maritime Stewardship for the West Philippine Sea.”