Skip to main content

JULY 24, 2020: Pitong (7) Front-liners mula Bayan ng Lingayen ang Naitalang Bagong Kaso ng COVID-19

❗️JULY 24, 2020: Pitong (7) front-liners mula bayan ng Lingayen ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 matapos ang halos ilang lingong COVID free ang bayan.

Ito ang ibinalita umano ni Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman kay Mayor Leopoldo N. Bataoil ngayong hapon.

Ang naturang mga front-liners ay mga naka-assign sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) at nakabilang sa iba pang nagpositibong kawani nito matapos magsagawa ng mass (swab) testing ang naturang ahensiya noong July 22, 2020.

Narito ang tala ng mga natukoy na 7 pasyente mula bayan ng Lingayen na pawang mga asymptomatic:

BRGY AGE SEX

Quibaol 47 M
Domalandan West 28 F
Poblacion 30 M
Maniboc 51 M
Maniboc 34 M
Namolan 32 F
Namolan 42 M

Ipinag-utos na rin ni Mayor bataoil ang disinfection sa tahanan ng mga ito at mga pampublikong lugar sa bayan, kasabay ang mahigpit na paalala sa istriktong pagsunod sa mga health protocols.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Municipal Health Office kasama ang DOH-HRH at PNP habang nakatakda ring maglabas ng opisyal na pahayag ang Pangasinan PPO ukol sa naturang report.

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan