
Kabahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng National Statistics Month (NSM)
Kabahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Lepoldo N. Bataoil sa pagdiriwang ng National Statistics Month (NSM) ngayong buwan ng Oktubre.
Sa temang “NSM@32: Reviving up for Economic and Social Recovery Through Evidence-Based Policies” ang LGU Lingayen ay kasama sa pagtataguyod at pagsasagawa ng evidence-based na mga polisiya lalo na sa panahong kung saan kasalukuyang humaharap ang bayan sa pagsubok na dulot ng pandemya.
Bilang pakiki-isa sa naturang selebrasyon, nakatakdang magsagawa ng ilang aktibidad ang lokal na pamahalaan tulad na lamang ng pagkakabit ng tarpaulin at tuloy tuloy na Community-Based Monitoring System o CBMS na pinapangunahan ng Municipal Planning and Development Office o MPDO.
Mahalaga ang CBMS dahil malaking tulong ito sa mga programa, plano at kahandaan ng ng isang LGU lalo na sa iba’t ibang sitwasyon.
Gamit din ang CBMS sa pagtukoy ng mga beneficiaries ng mga proyektong dumarating mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pati na sa non government agencies. Ito rin ang pinagbabasehan ng mahahalagang demographics patungkol sa tunay na kalagayaan ng mga mamamayan.
Nangako naman si Mayor Bataoil kasama ang buong pamunuan ng LGU Lingayen sa pagsasakatuparan ng “Whole of Nation Approach” o pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong sektor lalo na sa pagkalap ng maayos at konkretong istatiska at datos na inaasahan namang magiging susi upang muling maibangon ang ekonomiya sa bayan. (MIO)