
KAHANDAAN SA SAKUNA DAPAT UMANONG MATUTUNAN NG BAWAT ISA
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pag obserba ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.
Ang publiko ay patuloy na hinihikayat na makii-sa sa mga programa ng gobyerno hinggil sa pagpapaigting ng katatagan mula sa sakuna.
Pangungunahan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen ang pagkalap at pagpapamahagi ng mga tamang impormasyon tungkol sa mga dapat gawin lalo na sa panahon ng sakuna.
Ilan lamang sa kanilang pagtutuunan ng pansin ay ang apat na thematic areas gaya ng Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response at Disaster Rehabilitation and Recovery.
Ang LDRRMO din ang siyang ahensya na nagpapatupad ng mga kaukulang hakbang sa tamang alituntunin sa panahon ng pagpasok ng ilang peligro sa bansa tulad na lamang ng pagbaha, landslide, paglindol, tsunami, at marami pang iba.
Sa ganitong panahon ay patuloy na pinaalalahanan ang bawat isa sa pagkakaroon ng kaalaman sa kung paano kakaharapin ang mga ganitong sitwasyon.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay: “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”. (MIO)