Skip to main content

KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026

 

Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng 34th National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day bukas, Setyembre 28, 2026 (Lunes).

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136, s. 2026, suspendido ang trabaho sa mga ahensya at instrumentalities ng National Government, kabilang ang GOCCs at State Universities and Colleges, simula 1:00 PM bukas.

Hinihikayat ang lahat na umuwi nang maaga at maglaan ng mahalagang oras para sa pamilya. Sa simpleng pagsasalo sa iisang hapag, mas napapatatag ang samahan, pagkakaunawaan, at pagmamahalan ng bawat miyembro ng pamilya.

Sa araw na ito, sama-sama nating pahalagahan ang oras na magkakasama at alalahanin na ang pamilya ang isa sa pinakamahalagang sandigan ng bawat isa.

Photo: Lucky Me! (2019, September)

Basta’t magkakasama, Kainang Pamilya Mahalaga! ❤️

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

 

CLICK HERE  https://www.facebook.com/share/p/1LYXB5Bjm4/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan