
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa oberbasyon ng Anti-Graft and Corruption Awareness ngayong buwan ng Mayo
Ito ay sa bisa ng Proclamation No. 591, s. 2004 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ang graft and corruption ay ang pang-aabuso sa posisyon ng isang opisyal ng gobyerno at ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ito ay isang major offense ng na maaring magresulta ng pagkakakulong o pagkatanggal sa pwesto kung mapatunayan.
Kabilang sa mga uri ng korupsiyon ay ang mga sumusunod:
-Panunuhol (Bribery)
-Pandaraya (Fraud)
– Nepotismo at paboritismo
-Plunder
-Kickback at marami pang iba
Isa si Mayor Bataoil sa mga nagsusulong na labanan at sugpuin ang anumang katiwalian sa gobyerno na sanhi at ugat umano ng kahirapan sa bansa.
Bilang isang lider at ama ng bayan, hindi umano nito kailanman pinahihintulutan ang masamang gawain sa ilalim ng kanyang pamumuno. Panawagan pa nito na personal na isumbog sa kanyang tanggapan kung sakali mang may makita o mapatunayang ganitong uri ng pamamalakad.
Matatandaan na idineklara ni Mayor Bataoil ang araw ng Biyernes bilang People’s Day sa bayan. Nangangahulugan ito na maaaring magtungo sa kanyang opisina ang sinumang kababayan na may problema, hinaing, reklamo o iba pang saloobin na nais ipaalam sa alkalde. (MIO)