• Home
  • Community
  • News
  • News
  • KALINISAN AT KAAYUSAN SA MGA BARANGAY MAHIGPIT NA IPINAGBILIN NI MAYOR BATAOIL

KALINISAN AT KAAYUSAN SA MGA BARANGAY MAHIGPIT NA IPINAGBILIN NI MAYOR BATAOIL

Inatasan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang tanggapan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Lingayen na magsagawa ng regular na inspeksyon sa tatlumpu’t dalawang barangay sa bayan.
Nais kasi ng alkalde na masigurong natutugunan ang mga pangunahing hinaing ng mga residente partikular sa peace and order, kalinisan at maging sa pagsunod sa COVID-19 health protocols.
Inihayag ng alkalde ang kanyang direktiba sa mga pangyayari kasabay ang isinagawang kick-off ceremony ng Fire Prevention Month kahapon, Marso 1, 2021.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Bataoil na ang mga Barangay lalo na ang mga opisyales nito ang dapat na nangunguna sa pagpapaganda at pag-aayos ng kanilang komunidad. Nananawagan naman ito sa mga halal na opisyal na tila bahagya umanong nakakalimot sa kanilang tungkulin.
Aniya, kung gaano kapursigido ang Lokal na Pamahalaan na pagandahin at paunlarin ang bayan ay siya din dapat ginagawa ng mga lider ng barangay. Kasabay nito, agad niyang ipinag utos sa PNP, BFP at LDRRMO na ikutin ang buong bayan at ireport mismo sa kanyang opisina ang mga makikitang paglabag.
‘Hindi natin papayagan na dito sa pamunuan ng ating bayan ay nagpupursige tayo samantalang ang iba ay nag-rerelax lang at binabalewala ang hinaing ng taumbayan’ ani Mayor Bataoil.
Partikular na tinukoy dito ng alkalde ang mga nagkalat na basura sa kapaligiran na tila hindi umano binibigyang pansin ng mga kapwa niya Lingkod ng Bayan.
Samantala, patuloy pa ring hinimok ni Mayor Bataoil ang kanyang mga kababayan na sumunod sa minimum health standards at community quarantine protocols upang tuluyan ng bumaba at mawala ang kaso ng COVID-19 sa bayan. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan