Skip to main content

KAMPANYA FIRE PREVENTION MONTH NG BFP LINGAYEN, UMARANGKADA NGAYONG ARAW

Inilunsad na ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen ngayong araw ika-2 ng Marso, 2020 ang kanilang kampanya kontra sunog.

Isang kick-off motorcade ang nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng selebrasyon ng Fire Prevention Month na may temang “Matuto ka, Sunog Iwasan na!”.

Ayon kay Fire Inspector Richard Santillan, Chief Fire Marshall ng bayan layon ng kanilang isinagawang kampanya na mapataas pa ang kamalayan ng publiko laban sa mapanirang apoy.

Ilan pa aniya sa programang inilatag ng kanilang tanggapan ay ang Ugnayan sa Barangay o mas kilala sa tawag na Oplan Ligtas Pamayanan kung saan magbabahagi ang mga kinatawan ng BFP sa publiko ng mga paraan kung paano makakaiwas sa sunog.

Mayroon dinh Orientation on Comprehensive Emergency Program for Children na layon namang turuan at bigyan ang mga estudyante at kabataan ng angkop na kaalaman kung ano ang mga maaaring gawin sakaling masangkot sa mga kaugnay na emergency cases.

Hindi rin umano mawawala ang isang buwang pamamahagi ng information, education and communication materials sa mga Lingayenenses hinggil sa mga payo para maging ligtas at makaiwas sa sunog.

Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang lahat ng kanyang mga kababayan na sundin ang payong pangkaligtasan ng BFP Lingayen hindi lamang tuwing Buwan ng Marso kundi maging sa buong taon. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan