
KAMPANYA LABAN SA KARAHASAN SA KABABAIHAN, ISINUSULONG
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pagsisimula ng kampanyang 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) gabay ng temang “VAW free Community Starts with me”.
Sakop ang kampanya ng mandato sa ilalim ng Proclamation 1172, Series of 2006 na nagdedeklara sa November 25 hanggang December 12 ng bawat taon bilang “18-Day Campaign to End VAW.” Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 10398, Series of 2012 na nagtatakda naman sa Nobyembre 25 ng bawat taon bilang “National Consciousness Day for the Elimination of VAW and children”.
Sa pagsusulong ng anti- violence program para sa mga kababaihan, hangad ni Mayor Bataoil na siya ding Gender And Development o GAD Chairperson katuwang si Vice Mayor Judy Vargas Quiocho (GAD Vice Chairperson), na mabigyan ng malalim na kaalaman at pag-unawa ng batas ang publiko, partikular sa Republic Act 9262 o an Act defining Violence Against Women and their Children.
Ayon sa alkalde, suportado niya ang naturang aktibidad na walang ibang layunin kundi itaas ang kaalaman sa kanyang nasasakupan na ang karahasan sa kababaihan at mga bata ay isang isyung pampubliko na kailangang pagtuunan din ng pansin.
“Let us all work together as we raise public awareness on the issues faced by women so that viable programs and solutions will be successfully executed and implemented.”
Para naman kay Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho, isang magandang pagkakataon ang nasabing aktibidad o awareness campaign para imulat ang publiko kung ano ang VAW at kung paano ito maiiwasan.
Aniya, napakaraming babae ang nakakaranas ng mga pang-aabusong pisikal, emosyonal, sikolohikal at ekonomikal ngunit mababa pa rin ang bilang ng mga nagsusumbong sa kaugnay na pangyayari.
Nangangahulugan lamang umano nito na kulang pa rin ang boses ng mga kababaihan kung kaya’t bilang isang lider at isang babae na naglilingkod sa lokal na pamahaalan, handa umano siyang maging daan upang tulungang tapusin at lutasin ang nasabing problema.
Bilang pagsisimula ng kampanya kahapon, nagsimula ng ikabit ang tarpaulin o official streamer ng 18-day Campaign to End VAW sa harap ng Lingayen Public Market tanda ng pakikisa ng LGU Lingayen sa naturang kampanya.
Ilan pa sa mga aktibidad o gawaing nakahanay sa taong ito ay ang mga sumusunod:
-Reading of Prayer for VAWC Victim-Survivors (during Flag Raising and Flag Lowering Ceremonies) (November 27, December 4, December 7 and 11)
-Election of Officers of the Lingayen KA.BA.LI.KA.T Patrol and distribution of (December 1, 2020)
-Training of Barangay VAW Desk Officers
-Premiere of the Women Empowerment Movie EBAI: Babae Ka, Hindi Babae Lang