Skip to main content

KARAGDAGANG INSENTIBO PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAN, APRUBADO NA


Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansang naglalayong bigyan ng cash incentives ang mga kababayan na umabot sa edad ng 80-89, 90-99 at 100 o higit pa na taong gulang.

Ito ay alinsunod sa Ordinance No. 90, S-2020 o mas kilala sa tawag na “AN ORDINANCE HONORING AND GRANTING CASH INCENTIVES TO OCTOGENARIANS, NONAGENARIANS AND CENTENARIANS IN THIS MUNICIPALITY” na akda ni Councilor Rasel Cuaresma.

Nakapaloob dito na pagkakalooban ng insentibo ang mga senior citizen sa bayan na magdiriwang ng kanilang kaarawan sa mga edad na nabanggit.

May one-time five hundred pesos (P500) incentive na matatanggap ang mga may edad 80-89 taong gulang (octogenarian) habang isang libong piso naman (P1000) sa mga edad 90-99 taong gulang o one-time incentive rin pagpatak ng edad na nabbilang sa nonagenarians.

Habang katulad nang nakagawian, sampung libong piso (P10,000) cash at certificate of recognition ang ibibigay sa mga senior citizens na aabot sa 100-taong gulang (centenarians) alinsunod na rin sa Republic Act 10868 o “Centenarians Act of 2016” maliban pa sa ipanagkakaloob ng regional o national DSWD.

Samantala, upang mapagkalooban ng nasabing insentibo kinakailangan lamang na kumpletuhin at ipasa ng kanilang mga kaanak ang mga sumusunod na requirements:

1. Certificate of Birth mula sa Municipal/Local Civil Registrar o Philippine Statistics Office-PSA
2. Valid Identification (kahit anong Government Issued ID)
3. Dapat ay isang natural born citizen at matagal ng residente o naninirahan sa bayan ng Lingayen
4. Mayroong Lingayen Senior Citizen Identification Card na inisyu ng OSCA

*Kung walang maipakitang Certificate of Birth, ang mga benipesyaryo ay maaaring magpresenta ng alinman sa sumusunod:

-Marriage Contract
-Baptism o Confirmation Certificates
-Birth Certificates ng kanilang mga anak

Mangyari lamang na ipagbigay alam o makipag ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen kung may mga kakilalang kababayan na sasapit na ang edad sa 80-100 pataas. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan