Skip to main content

KARAGDAGANG PULIS, ITINALAGA SA BAYAN

Malugod na tinanggap ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang labing apat (14) na bagong miyembro ng Philippine National Police o PNP Lingayen ngayong ika-21 ng Setyembre, 2020.

Sa ginanap na flag raising ceremony na nilahukan lamang ng kapulisan at ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection o BFP Lingayen, nagpasalamat ang alkalde sa pagkakaroon ng mga karagdagang opisyal na magpapatupad ng batas kasabay nang pagtiyak ng mas madalas na  police visibility sa bayan.

Ayon kay Mayor Bataoil, ang pagbibigay serbisyo publiko ay isang ‘lifetime commitment’ kung kaya’t nararapat lamang umanong gampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin ng tapat at may takot sa Diyos.

Ang mga bagong pulis ay nakatakdang ipakalat sa tatlumpu’t dalawang (32) barangay sa bayan.

Ayon naman kay  Police Lieutenant Col. Theodore Perez, hepe ng Lingayen Police Station,  ang mga karagdagang pulis ay makatulong para sa pagpapatupad ng mga batas trapiko pati na ang pagbabantay sa mga checkpoints.

Sa kanilang unang araw sa serbisyo, kanyang hiniling at pinaalalahanan ang mga bagong pulis na kumilos ng professional bilang public servants.

Itinuro din nito ang tamang pag-uugali na dapat nilang taglayin lalong lalo na kapag ang mga ito’y nasa kani-kanilang duty.

“I hope that you will always be vigilant in safeguarding peace and order and in protecting the rights of every citizen and safeguarding your actions. Kapag may nakita kayong violators, bigyan ninyo muna ng warning. Huwag niyo huhuliin agad. Sa warning, ipaalala ninyo kung ano ang umiiral na batas para alam nila. I expect to see you also bilang mga role models sa public. You must be a good example, you must make the hard choices to do the right thing under every circumstance,” ani Perez

Bukod sa mga bagong pulis, mayroon ding siyam (9) na bagong mga  Field  training program (FTP)  at dalawang (2) Field Training Officer (FTO)  na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Detailed Personnel

1.Pat Menard Estrada

2.Pat Kristian Erwin Fabro

3.Pat Chris Jay Carlos Benavides

4.Pat Lexter Abigania

5.Pat Hazel Faith Calip

6.Pat Thalia Mari Canosa

7.Pat Nemar Toquero

8.Pat Dennis Ramos

9.Pat Joshua Avila

10.Pat Marvin Martinez

11.Pat Jonzen Pajarillaga

12.Pat John Anobar

13.Pat Roel Delos Santos

  1. Pat Marc Leary Tubay

FTO

1.PSMS Ruben Manongdo

2.PSMS Rodante Oreiro

FTP

3.Pat Jordan Dingle

4.Pat Ezekiel Bang-asan

5.Pat Ryan James Padre

6.Pat John Christian L Correa

7.Pat Richard Natividad

8.Pat Donald D Calera Jr

9.Pat Angelito C Tejada Jr

10.Pat Mark S Javillonar

11.Pat Don Villanueva

Buo naman ang tiwala ni Mayor Bataoil na mararamdaman ang epekto sa hanay ng kapulisan sa pagkakaroon ng mga bagong pulis at matutulungan hihit ang mga barangay sa bayan na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga mamamayan.  (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan