
Karagdagang Relief Packs Para Sa Mga Kababayan
✅Maraming salamat po Provincial Social Welfare and Development Office (PSWSO) sa karagdagang relief packs para sa mga kababayang labis na naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon at umiiral na Habagat. Gayundin sa Bountry Fresh na nagpa-abot ng mga frozen chicken sa ating 32 barangays na maaring magamit sa kanilang feeding program sa mga kababayang kapos sa buhay. Salamat din po sa pag-alalay ng Provincial Government sa bayan ng Lingayen. 💚
Sama-sama po tayong magtulong-tulong upang muling makabangon ang mga labis na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.