KARAGDAGANG SASAKYANG MAGAGAMIT SA RESCUE, PEACE AND ORDER AT WASTE MANAGEMENT NG BAYAN, DUMATING NA
‘Dream come true’ na maituturing ng mga frontliners sa bayan ang pagkakaroon ng mga bagong rescue vehicles na ipinamahagi ngayong araw, ika-12 ng Abril, 2022.
Pinangunahan ni Lingayen Leopoldo N. Bataoil ang turnover ceremony ng nasa pitong (7) bagong mga sasakyan. Bago rito ay nagkaroon din ng pagbabasbas o blessing ng naturang mga behikulo.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay ang mga sumusunod:
-2 brand new Mitsubishi Strada pick up na magagamit sa rescue operations ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO
-1 brand new Mitsubishi Strada pick up para naman sa General Services Office (GSO Lingayen)
-1 brand new unit Isuzu Dump truck bilang karagdagang tulong sa waste management ng MENRO
-2 brand new unit motorcycle XR 150 para sa pagpapatrolya ng PNP Lingayen
-1 brand new unit Patient Transport Vehicle na donasyon mula sa PCSO
Layon nito na palakasakin pa lalo ang kakayahan ng mga frontliners sa bayan pagdating sa usapin ng mga medical assistance, search, & rescue operation, at pagpapanatili ng peace and order.
Ang mga ito ay naka-program sa budget ng LGU at sa wakas ay dumating na upang mapakinabangan ng bayan.
Naniniwala din si Mayor Leopoldo N. Bataoil, na mas mapapabilis ang pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong dahil sa pagkakaroon ng mga nasabing sasakyan.
Binili ang mga rescue vehicles mula sa pondo ng LGU Lingayen na matagal nang kahilingan ng nasabing mga opisina para sa mas maayos na pagbibigay serbisyo sa publiko.
“We were able to procure all these much needed equipment for our people of Lingayen. Never been happen before according to many of you . We will able to procure all of these, with the people’s money– without any loan. Hindi tayo nagloan. Pondo ito ng LGU natin” ani Mayor Bataoil.
Hindi naman nakalimutang pasalamatan ng akalde ang mga bumubuo o ang financial committee ng lokal na pamahalaan dahil sa pagkakaroon ng maayos na ‘fiscal management’ o tamang pagpondo at paggastos sa kaban ng bayan.
Una nang nabigyan ng LGU Lingayen ang tatlumpu’t dalawang (32) barangay sa bayan ng kani-kanilang rescue vehicles at kasalukuyan ng napapakinabangan ng mga ito. (MIO)