Skip to main content

KASALANG BAYAN 2024 IDINAOS NGAYONG ARAW NG MGA PUSO

Nagmistulang isang engrandeng kasalan ang sana ay simpleng Kasalang Bayan lamang na ginanap sa Lingayen Civic Center ngayong araw ng mga puso, ika-14 ng Pebrero, 2024.

Eksaktong alas-10 ng umaga ng simulan ang seremonya ng siyamnapu’t apat (94) na pares ng magsing irog na lumakad sa inilatag na red carpet na nagsilbi nilang “walking aisle”, mga gilid na pinalamutian ng magagandang bulaklak at eleganteng entablado. Sinaksihan ito ng kanilang mga kaanak, kaibigan, ninong at ninang at iba pang mga bisita.

Naging solemnizing officer si Mayor Leopoldo N. Bataoil katuwang ang mga konsehal at department managers ng munisipalidad upang isagawa ang makasaysayang mass wedding.

Ayon sa alkalde, naging tradisyon na ng lokal na pamahalaan at sa ilalim na rin ng kanyang administrasyon ang pagsasagawa ng libreng kasalang bayan na may layunin umanong mapagbigkis at maipagpatuloy ng mga magsing irog ang kanilang nasimulang pagmamahalan at nabuong pamilya.

Pinayuhan din niya ang mga ito na gawing sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon at dapat manaig sa kanila ang pag-ibig, pagpapasensiya at pagpapakumbaba upang ang pagsasama ay maging matibay at magkaroon ng tunay na halaga.

Samantala, dalawampu’t limang (25) mag- asawa ang tumanggap ng espesyal na gantimpala na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Oldest Couple (with free gift)
Roger Alcantara Lorente (71)
Editha Candole Ibasan (60)

Youngest Couple (free overnight stay with breakfast @ Consuelo Hotel)
John Paulo Paiso (21)
Justine Mae Teja (19)

Early Bird (free overnight stay with breakfast @ Consuelo Hotel)
Emmanuel Reyes
Shanda Mejia Reyes

Best Dressed Couple (free entrance & overnight stay with free breakfast @ El Puerto Marina Resort)
Johnny Dela Cruz
Jovelyn Requerme Dela Cruz

Most Emotional Couple (free dinner date at Chatanoga Restaurant)
Wilson Bautista
Michelle Aquino Bautista

First Ten Couple Who Applied (Gift Certificate from Presse Coffee)
Danny P. Gutierrez and Daryl Mae G. Espadero
Amalia F. Saure and Ralph Vincent D. Jimenez
John Venedict A. Dagdag and Susan S. Garote
Armando B. Castillo and Dalia T. Agodilla
Noel S. Vicente and Elizabeth P. Hernandez
Nemuel U. Manuel and Ma. Christine G. Ikan
Francisco J. Estrada Jr. and Jocelyn F. De Leon
Ricardo C. Molina and Melody B. Gomez
Jimmy Boy T. Olaybal and Rodalyn B. Arias
Rolando R. Flores Jr. and Jaymee G Manuel

Three Emotional Couple (free entrance to Aquatica Marina Resort, cottage not included)
Edu Padua and Lourice Fyre
Zaldy Escano and Yuly Batan
Edgar Labastida and Bernadette Casaclang

Simplest Couple (free 2 pasta of their choice, 2 medium signature milk tea, 2 pcs pancake from Honey Cup)
Ronald B. Garbo and Bea Ann Alvaro
Mauro D.G. Ramos Jr. and May E. Vicente

Ang isinagawang mass wedding ay ginastusan at inasikaso ng LGU Lingayen sa pangunguna ng Local Civil Registrar at sa pamumuno ni Municipal Civil Registrar Joan Jude R. Lopez.

Libre ang lahat mula sa pag pafile ng marriage contract, mga giveaways tulad ng invitation, wedding cakes, singsing, municipal mugs, arrhaes, bouquet ng bride, corsage para sa groom, patawin (pabaon), couple picture frame at wine.

Nais namang ipaabot ng LGU Lingayen ang lubos na pasasalamat sa suportang natanggap mula sa mga sumusunod na sponsors:

Georavin Construction and Supplies – George Vinoya
Presse Coffee – Dwell Cruz
Rensis Trading – Karen Ramos
Miane Five Trading – May-Ann Flores
Japhet General Merchandise – Valerie Mae Mamaril
El Jardine Restaurant and Catering Services – Suzette C. Amor
Computer Bucket/Computer Parts and Accessories Shop – Irene C. Delos Santos
Honey Cup – Rowena P. Mararac
Hotel Consuelo and Chinese Restaurant
El Puerto Marina Beach Resort and Vacation Club – Flordeliza Versoza
VSB Enterprise OPC/Kobots Enterprise – Elsie Baradi
Mararac’s Flower Shop – Henry Mararac
Chatanoga – Emelie Jine Javier
Frankie’s Catering Services – Ria Malicdem
The President Hotel – Mita Duque
Yani’s Kitchen – Bryan Ordas
CSI Lingayen – Rodel Tan
Red Ribbon – Mikkel Uvalde

Nagsilbi ring panauhing pandangal si Senator Francis N. Tolentino na nagbahagi rin ng munting regalo sa lahat ng mga pares. Nagpa-abot rin ng souvenir gifts sina Board Members Haidee Pacheco at Philip Cruz sa mga ito.

Samatala ito na ang ika-limang Kasalang Bayan na inorganisa ng LGU Lingayen sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Bataoil. Tema naman ng naturang okasyon ngayong taon ay “Pagmamahalang Tunay, Pagbubuklod ng Panghabangbuhay”. (MIO_MRVinluan/PBayog)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan