
KASO NG DENGUE SA BAYAN, BUMABA AYON SA MHO
Bumaba ang kaso ng dengue sa bayan ng Lingayen.
Ito ay ayon sa Municipal Health Office o MHO Lingayen, may animnapu’t anim (66) lamang na naitalang kaso mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, mas mababa kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Naniniwala ang naturang tanggapan na ang ‘increased awareness’ na dala ng pandemic situation ang isa sa naging rason kung bakit bumaba ang kaso nito.
Kasalukuyan din umano silang nagsasagawa ng “misting” o pagbobomba sa loob ng tatlong makakasunod na linggo laban sa lamok sa mga purok ng ibat-ibang barangay na may mataas na kaso ng dengue upang maiwasan ang pagkalat nito.
Bukod pa rito, mayroon ding information dissemination na layong bigyan pa ng sapat na kaalaman ang mga residente hinggil sa sakit na dengue at kung paano ito maiiwasan.
Bukod sa information drive, namigay rin ng dengue kit ang Municipal Health Office.
Kasama sa kit ang gamot sa lagnat, mga bitamina na pambata at pangmatanda at mosquito nets at repellent.
Muli namang ipinaalala at pinayuhan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga barangay officials nito na regular na magsagawa ng clean-up drive sa kanilang mga nasasakupan upang masira ang mga lugar o bagay na posibleng pamahayan ng mga lamok.
Samantala, narito ang listahan ng mga baranggay na nakapagtala ng kaso ng Dengue mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
-Poblacion 14
-Libsong East 10
-Dorongan 4
-Bantayan 3
-Domalandan East 3
-Naguelguel 4
-Tonton 8
-Dulag 2
-Malawa 1
-Pangapisan North 2
-Domalandan Center 1
-Namolan 1
-Libsong West 2
-Estanza 1
-Balococ 1
-Balangobong 1
-Baay 1
-Aliwekwek 1
-Talogtog 1
-Matalava 1
-Wawa 1
-Basing 1