Skip to main content

LDRRMO Lingayen Nagsagawa ng School Facility Assessment

Ang LDRRMO Lingayen ay nakipag-ugnayan sa mga School Heads at nagsagawa ng pagsusuri at assessment sa mga pasilidad ng paaralan dahil sa malawakang pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan na nararanasan bunsod ng Hanging Habagat.
 
Layunin ng isinagawang assessment na matukoy ang kalagayan ng mga paaralan, gayundin ang mga posibleng panganib na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
 
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang LDRRMO Lingayen sa mga paaralan upang masiguro ang maagap na pagtugon, wastong paghahanda, at higit sa lahat, ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at guro.
 
“Say too ya preparado,
alerto tan alisto arawi ed risgo.”
 
 
 
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan