
LDRRMO LINGAYEN PATULOY ANG PAGSASANAY PARA SA MGA EMERGENCY CASES
Kasalukuyang sumasailalim sa isang linggong training ang mga kawani ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen.
Pinangunahan ng Philippine Red Cross ang nasabing pagsasanay katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Partikular na itinuro sa mga kawani ay ang First Aid at Basic Life Support, manual at actual – na maaaring gawin lalo na sa panahon ng sakuna. Ibinahagi rin sa nasabing pagsasanay ang mga paraan tungkol sa basic bandaging, CPR o cardiopulmonary resuscitation, pati na rin ang Ambulance Operation Training.
Layunin ng pamahalaang lokal na masigurong ligtas ang mga kababayan sa lahat ng oras at pagkakataon.
Naniniwala naman si Mayor Bataoil na ang nasabing pagsasanay ang magmumulat sa mga mamamayan lalo na sa kahalagahan ng pagiging handa at alerto pagdating sa mga man made or natural calamities.
Ang nasabing training ay isa lamang sa serye ng mga nakahanay na pagsasanay ng LDRRMO para na rin sa kaligtasan ng publiko. (MIO)