Skip to main content

LDRRMO LINGAYEN SUMAILALIM SA ISANG LINGGONG PAGSASANAY PARA SA EMERGENCY CASES

Patuloy ang isang linggong pagsasanay ng mga kawani ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen na nagsimula noong ika-17 ng Pebrero 2024 sa Lingayen Evacuation Center.

Isinagawa ang training sa tulong ng Philippine National Red Cross at Red Cross San Carlos Chapter katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil. Kaisa ito sa layuning mapalakas pang lalo ang kakayanan at kapasidad ng mga first responders ng bayan upang makasigurong marerespondehan ng wasto ang mga kababayan sa harap ng anumang uri ng sakuna.

Ang nasabing pagsasanay ay aabot ng isang linggo na kung saan apat (4) na araw ang inilaan para sa Basic Life Support and Standard First Aid Training samantalang tatlong (3) araw naman para sa Ambulance Operation Management.

Labing-anim (16) na kawani ng LDRMMO ang nakibahagi sa pagsasanay na siyang tumalakay sa parehong actual at manual First Aid at Basic Life Support, mga paraan ng basic bandaging, cardiopulmonary resuscitation (CPR), pati na rin ang Ambulance Operation Training.

Layon ng nasabing aktibidades na panatilihing handa ang LDRRMO Lingayen sa pagtugon sa anumang sakuna at maging sa mga emergency cases partikular na sa mga may medical and trauma condition. (MIO_MRVinluan/PBayog)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan