
LGU LINGAYEN BALIK SERBISYO SA PAGBUBUKAS NG TOANG 2021
Tagumpay na naisagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kauna-unahang flag raising ceremony na pinangunahan naman ng Municipal Information Office, sa unang Lunes ng taong 2021.
Unang nag-alay ng taimtim na dasal si Rev. Fr. Hernan Caronongan ng Epiphany of Our Lord Parish Church bago ito tuluyang magtransfer sa bayan ng Basista.
Sa kanya namang pambungad na mensahe, sinabi ni Mayor Bataoil na ang taong 2020 ay punong puno ng pagsubok kung kaya’t nararapat lamang umano na simulan ang 2021 ng pagbabago at positibong pananaw.
“This day is the start of our service, solidarity and team work so that we will be able to serve our people of Lingayen the best way we can.” ani Mayor Bataoil
Isinagawa din ang traditional new year’s call ng bawat opisina na ayon sa alkalde ay “renewal of commitment”, “renewal of love of service” and “renewal of respect to people”.
Ibinahagi naman ni Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho sa kanyang mga kapwa empleyado sa munisipalidad ang tatlong katangian na dapat umanong taglayin at ugaliin ng isang Lingkod ng Bayan.
Aniya, mahalaga ang pagkakaroon ng ‘stability under pressure’, ‘initiative’, at ‘presence of mind’ lalo na sa pagtupad sa tungkulin.
Samantala, kasabay nang pagbabalik serbisyo publiko ay ang pagsisimula din ng ONE STOP SHOP FOR BUSINESS PERMIT AND LICENSES.
Layunin nito na matulungang makapagbayad sa mabilis na paraan ang mga kababayan o ang mga indibidwal na nagmamay ari ng mga negosyo sa bayan.
Maaari din nilang irenew ang kani-kanilang mga business permit at makakuha ng clearance at certificate mula sa iba’t ibang tanggapan.
Paalala lamang sa publiko na dapat pa ring iobserba ang mga ipinapatupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at ang social distancing.
Magtatagal naman ang one stop shop hanggang Enero 20, 2021 sa Lingayen Civic Center. (MIO)