Skip to main content

LGU LINGAYEN KAISA SA OBSERBASYON NG INTERNATIONAL DAY OF PERSONS WITH DISABILITIES

Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa selebrasyon ng International Day of Persons with Disabilities ngayong araw, ika-3 ng Disyembre, 2020.

Ito ay may temang “Building Back Better: toward a disability-inclusive, accessible and sustainable post COVID-19 World”.

Bagama’t walang naihandang aktibidad para sa mga PWDs ngayong taon sa bayan dahil na rin sa nararanasang pandemya, muli namang ipinaalala ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen ang kanilang mga karapatan base na rin sa nakasaad sa Republic Act 7277 o “Magna Carta for Disabled Persons”.

Nakapaloob dito ang obligasyong itaguyod at proteksyunan ang karapatang pantao ng mga may kapansanan. Tungkulin din umano ng publiko na sila’y tanggapin at pangalagaan at tigilan na ang matinding diskriminasyon bagkus ay bigyan ng pagkakataon ang mga ito na malayang makilahok sa lipunan.
Bukod pa rito, may mga benipisyo din umanong inilaan ang pamahalaan para sa kanila. Narito ang ilan:

20% na diskwento sa:
-Hotel at katulad na mga establisimiyento, sa restawran, at lugar libangan tulad ng sinehan, konsiyerto, circus, carnivals at iba pang katulad na mga lugar ng kultura, paglilibang at libangan;

Mga gamot sa lahat ng mga botika;
-Serbisyong medikal at dental, kabilang ang mga diagnostic at laboratory fee, sa lahat ng pasilidad ng gobyerno (napapailalim sa mga alituntunin na ibinibigay ng DOH sa koordinasyon sa PhilHealth;
-pamasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan at

5% na diskwento naman para sa:
-Pangunahing mga pangangailangan (kanin, mais, tinapay, sariwa at tuyong isda at at iba pang mga produkto mula sa dagat, sariwang karne ng baboy, karne ng baka at karne ng manok, sariwang itlog, sariwa at naprosesong gatas, mga formula milk ng sanggol, sariwang gulay, mga ugat pananim, kape, asukal, mantika, asin, sabong panlaba, detergents, kahoy na panggatong, uling, kandila at iba pang mga kalakal na maaaring inuri ng Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture)

Ipinaalala naman ng MSWDO na kakailangin ang PWD ID upang mapakinabangan ang mga pribilehiyo at benepisyong nabanggit. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan