
LGU LINGAYEN, KAISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL INDIGENOUS PEOPLES DAY
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Katutubo o mas kilala sa National Indigenous People’s Day.
Kasabay ng pagdiriwang nito ngayong taon ay ang pagsusulong din sa pangangalaga sa kultura at ang patuloy na pagkilala sa mga katutubong tao o indigenous people.
Una nang inihayag ni Mayor Bataoil na suportado nito ang mga programang nagtataguyod ng karapatan ng mga Mamamayang Katutubo lalo na umano sa malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon, at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanan at marami pang iba.
Hinihikayat din nito ang publiko partikular na ang kanyang mga kababayan na kilalanin pa at bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang mga kultura.
Tuwing ika-9 ng Agosto ginaganap ang pagdiriwang ng “Araw ng mga Katutubo” taon-taon. Ngayong taon may tema itong “Leaving No One Behind: Indigenous peoples and the call for a new social contract”. (MIO)