Skip to main content

LGU LINGAYEN KAISA SA PAGDIRIWANG NG PUBLIC LIBRARY DAY

Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng ika-62 na selebrasyon ng Araw ng mga Pampublikong Aklatan o Public Library Day ngayong araw, Marso 9, 2021.

Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Judy Vargas Quiocho kasama ang iba pang matataas na opisyales at mga empleyado ng munisipalidad.

Ipinagdiriwang ito alinsunod na rin sa Proklamasyon Blg. 563, s. 1959 kung saan naman ngayong taon may tema itong “Philippine Public Libraries: Providers of Virtual Information and Contributors to the community Sustainability.”

Tampok naman sa programa ang Share-A-Book Program ng Lingayen Municipal Public Library kung saan nagbibigay o nagpapamahagi ito ng mga kwentong pambatang libro sa mga maulang na maaari nilang basahin para sa kani-kanilang mga anak.

Mayroon ding Booklat Diwa o ang Digital Literacy Training ng mga Daycare Workers na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall ngayong araw.

Muli namang kinilala ni Mayor Bataoil ang mahalagang papel hindi lamang ng pampublikong silid-aklatan ngunit maging ang mga kapwa niya lider sa paghubog ng isang maayos at matagumpay na komunidad.

Aniya, habang maaga pa ay dapat ng gabayan sa wastong pagbabasa at pag aaral dahil naniniwala umano ito na ang kinabukasan ng bayan ay nakasalalay sa mga kabataan.
“We are the ones responsible in developing the kind of leaders of tommorow. Lets start it right with us” ani Mayor Bataoil

Samantala, panawagan naman ni Vice Mayor Quiocho na patuloy sanang bigyan ng importansya ang public library o silid aklatan dahil ito aniya ang lugar na itinuturing bilang sanctuario ng kaalaman. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan