Skip to main content

LGU LINGAYEN, NAGHAHANDA PARA SA TROPICAL STORM PAOLO

Isinagawa ngayong Oktubre 2, 2025 ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Meeting sa pangunguna ni LDRRMO Head Sir Clark Mamaril, bilang bahagi ng paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa banta ng Tropical Storm Paolo.
Dumalo rin sa pagpupulong si Konsehal Jolo Lopez, Chairman ng Committee on Disaster Risk Reduction, kasama ang mga kinatawan mula sa sumusunod na mga tanggapan at ahensya: Mayor’s Office, MENRO, GSO, MAO, PNP, BFP, DepEd, MSWDO, RHU I, II, III, Bantay Dagat, DILG, Municipal Engineering Office
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang hakbang upang matiyak ang maayos na koordinasyon, kahandaan, at mabilis na pagtugon ng bawat ahensya sa oras ng sakuna, upang maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan ng Lingayen.
Manatiling alerto at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo.
Ang kaligtasan ng bawat mamamayan ang ating pangunahing prayoridad!

Click here: https://www.facebook.com/share/p/16NaH27kHW/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan