Skip to main content

LGU LINGAYEN, NAKI-ISA SA LUNG MONTH CELEBRATION

Matagumpay na naki-isa ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa Lung Month celebration, na pinangunahan ng Pangasinan Provincial Government ngayong araw, September 8, 2020.

Ang pagdiriwang ay may temang “Facing the Challenges of New Normal!”, nakasentro ang nasabing pagdiriwang sa pagpapaigting ng anti – Tuberculosis (TB) program ng lalawigan sa pamamgitan ng TB early detection initiatives na isinasagawa ng mga medical professionals kabilang na ang ilang mga staff ng Lingayen District Hospital, Rural Health Unit I at Rural Health Unit II ng bayan.

Ayon kay Municipal Health Officer Dra. Sandra Gonzales, ang baga ang isa sa mga nauunang humihina na parte sa ating katawan kung kaya’t napaka-importante aniya na mabigyan ito ng sapat na pansin at pangangalaga.

Maganda naman aniya ang naging hakbang ng pamahalaang panlalawigan sa pagsasagawa ng libreng lung xray sa mga kababayan.

Ang okasyon ay pagkakataon rin umano upang bigyang pansin, hindi lamang ang sakit na TB, kung hindi wakasan na rin ang iba pang mga sakit sa baga at sa buong respiratory system.

Samantala, hinihikayat ang publiko lalo na ang mga indibidwal na matagal ng nakakaramdam ng pag ubo at hirap sa paghinga na magtungo lamang sa Lingayen Civic Center ngayong araw upang ma-avail ang libreng check up.

Magtatagal ito hanggang mamayang alas dos ng hapon (2:00 pm).

Muli namang ipinaalala ng lokal na pamahalaan na mahigpit na sundin ang mga ipinapatupad naminimum health standards tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at ang pagobserba ng social distancing. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan